Advertisers

Advertisers

Carmi keber kung maburo, pinauubaya na kay Lord kung makakapag-asawa pa

0 303

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGING guest ng beteranang kolumnista at YouTuber na si Aster Amoyo ang sexy comedienne na si Carmi Martin sa kanyang vlog.
Ayon kay Carmi, malaki raw ang nabago sa kanyang buhay buhat nang siya ay maging Kristiyano.
Napagtanto rin niya na hindi kailangang magkaroon ng asawa o anak ang isang tao para masabing fulfilled siya as long na may malalim na personal relationship siya sa Diyos.
Inamin din niya na marami rin siyang naging nobyo pero hindi raw ito dumating sa puntong nayaya siyang pakasal.
May isa raw siyang naging dyowa noon na bet siyang anakan pero blessing in disguise na rin na hindi sila nagkaanak dahil feeling niya ay hindi rin ito magiging ideal na ama sa kanyang anak.
Nagbalik-tanaw din siya sa naging relasyon nila ni Apa Ongpin noon na para sa kanya ay perfect boyfriend.
Pero dahil galing daw ito sa nakaririwasang pamilya, nakita nila na ang agwat nila lalo na’t feeling niya ay naa-out of place na siya kapag ipinapakilala na siya nito sa kanyang altang mga kaibigan at mga kaanak.
Ito rin daw ang dahilan kaya hindi nagtagal ang kanilang relasyon.
Hirit pa niya, sa ngayon, ipinauubaya na raw niya sa Panginoon kung magkakaroon pa siya ng partner sa buhay.
Gayunpaman, hindi na raw niya hinahanap ito dahil masaya naman siya sa kanyang single blessedness, kesehodang maburo siya.
Sa naturang vlog din, inamin niya na minsan na siyang nabastos ng isang turista na nasampal niya.
Pagbabalik-tanaw niya, nagpa-picture raw ito sa kanya sa isang resort pero ang hindi niya nagustuhan ay nang hilahin siya nito para kumandong sa mga hita ng walang modong afam.