Advertisers

Advertisers

Bianca suportado ang ex-mister na si Vhong sa kasong kinakaharap

0 272

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

MUKHANG maganda ang naging paghihiwalay noon ng dating mag-asawang sna Vhong Navarro at ng dating aktres na si Bianca Lapus, na nagkaroon sila ng isang anak na lalaki, si Yce.
Sa pamamagitan kasi ng kanyang Twitter account, ipinakita ni Bianca ang suporta niya kay Vhong sa mga kasong kinakaharap nito ngayon.
Anumang araw mula ngayon ay nakaambang sampahan ng Taguig Prosecutor’s Office ng mga reklamong rape at acts of lasciviousness si Vhong, ayon sa kautusan ng Court of Appeals (CA).
Kaugnay ito sa isinampang complaint ng modelong si Deniece Cornejo sa Department of Justice (DOJ) laban sa actor-TV host.
Noong August 2, 2022, nag-post si Bianca sa kanyang Twitter account ng mga larawan nila ni Vhong kasama si Yce. Kuha ito sa selebrasyon nila noong nagtapos si Yce ng kursong Bachelor of Arts in Communication sa University of Sto. Tomas noong June 10, 2022.
Buong caption ni Bianca sa kanilang picture,“Standing by this GOOD MAN. Not perfect but definitely a good kind hearted man. Otherwise it won’t be easy for me to become friends and co parent with him. The truth will prevail. Walang iwanan.”
Kalakip nito ang isang quote card sa kanyang tweet.
Nakasulat dito: “When you destroy someone’s life with lies, take it as a loan, it will come back to you with interest.”
Nakakatuwa si Bianca, ‘di ba? Siyempre, may pinagsamahan at nagkaroon pa ng isang anak. kaya kahit paano ay nagpakita ng suporta si Bianca sa dating minamahal.
***
MAGRERETIRO na pala sa showbiz ang komedyante at writer na si Herman “Isko” Salvador, na kilala rin sa tawag na Brod Pete. Inanunsiyo niya ang pagreretiro niya sa kanyang Facebook account.
Ang ibinigay niyang dahilan ay dahil laos na siya.
Pero aniya, magpapatuloy pa ang kanyang “singing career” at ang online comedy writing workshop niya para sa mga aspiring writer.
Pahayag niya published as it is, “Yes laos na po ako after 43 yrs sa shobiz as a writer and comedian. Im now retired. Nakakasawa din.
“But i am launching my singing career fyi – to pursue my true love — music!
“Ive tried politics, mas nakakatawa kesa sa komedi ang pulitika. Di ako pinalad para konsehal- siguro dahil sinabe ko na – para mawala ang baha ipapasemento ko ang marikina river- u dont know soundbytes- anyways – marikina deserves less.
“Btw- i am conducting an online comedy writing workshop/playshop! Sept 3 7pm- via zoom. 1k petot lang- 43 yrs of comedy writing in 3 plus hrs.”
Si Isko ay tumakbo bilang konsehal sa unang distrito ng Marikina City noong nakaraang eleksyon, May 9, 2020, pero hindi siya pinalad na manalo. Kaya siguro nasabi niyang laos na siya, na naging dahilan para talikuran niya na ang showbiz.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">