Advertisers

Advertisers

Ginang bumili ng electric fan, sirang sapatos ang deniliver

0 158

Advertisers

Maluha-luha ang isang babaeng nagdadalantao nang ang pinag-ipunan nilang mag-asawang pera para pambili ng rechargeable electric fan, mauwi lamang sa panloloko ng isang online store.

Kuwento ng pinsan ng biktima na si John Jaymhil Mataya, taga Mogpog, Marinduque, noong July 23, nag-order ang kanyang pinsang si Lyn ng solar rechargeable electric fan sa isang online store na nakita nito ang ads sa Facebook sa halagang P1,500.

Subali’t laking pagkadismaya ni Lyn ng ang dumating sa kanya, apat na pares ng mga luma at sirang sapatos.



Pinag-ipunan pa naman aniya nila ito ng kanyang asawang construction worker para pagdadalantao nito dahil malimit na brown-out sa kanilang lugar.

Kinontak nila ang courier services na nasa bayan pa ng Sta. Cruz, subali’t sinabi ng tanggapan na wala silang kinalaman sa insidente, maging ang kanilang mga riders, dahil delivery service lamang sila.

Hindi na rin nila makontak at binlock na sila ng online store.

Samantala sa Facebook post naman ng isang netizen na trabahador ng Department of Public Works and Highways sa Quezon province, ipinakita din nito kung ano ang kanyang natanggap nang mag-order din ng kaparehong item sa nasabi rin online store.

Sa kanyang video, makikita na lumang sapatos, isang bote na may lamang buhangin at iba pang items ang laman ng kanyang natanggap na parcel.



Isa namang misis na taga Albay ang umorder din ng nasabing item subali’t ang dumating sa kanya, isa rin lumang sapatos, isang maliit na microphone stand at 1 set ng alley ring tools na hindi naman niya inorder.

Panawagan ng tatlo na imbestigahan ang naturang online store.