Advertisers
Nananawagan ng tulong ang isang ina nang malapnos ang balat ng kaniyang anak sa Guiguinto, Bulacan.
Kuwento ng ina ng bata, binuhusan ng kumukulong tubig ng kanilang kapitbahay ang kaniyang anak.
Sa report, naglalaro ang kaniyang anak kasama ang ibang bata nang lapitan ng kanilang kapitbahay at tanungin kung sino ang maingay. Dito na raw naganap ang pambubuhos ng kumukulong tubig.
Nagtamo ng second degree burn sa kaliwang braso at likod ang bata dahil sa pangyayari.
Idinulog na ng pamilya ng biktima ang insidente sa Women’s Desk ng Philippine National Police.
Ayon naman sa asawa ng salarin, aksidente ang nangyari. Nagtapon daw ng kumukulong tubig ang kaniyang asawa sa bintana at hindi niya alam na may bata roon.
Pinakiusapan ng salarin ang ina ng biktima na magbabayad sila at nakiusap na huwag nang ituloy ang demanda.