Advertisers
Sa dalawang magkahiwalay na pagbisita lamang sa NIKE STORES sa DAVAO CITY at sa KUALA LUMPUR, MALAYSIA ay tila tinodo nina VICE PRESIDENT SARA DUTERTE at ng kanyang asawang si ATTY. MANASES “MANS” CARPIO ang pagkaskas ng kanilang CREDIT CARD dahil lumilitaw na mahigit kalahating milyong piso agad ang kanilang ginastos.
Ito ang isa sa mga pinunang “unusual or questionable banking behavior” ng VETERAN FORENSIC FINANCIAL ANALYST na si ATTY. ALEXANDER CABRERA sa kanyang ginawang pagsisiyasar sa financial documents ng mag-asawang DUTERTE at CARPIO.
Sa naging pagtestigo sa SENATE IMPEACHMENT COURT ay inihayag ni CABRERA na may record sina DUTERTE at CARPIO na ginamit nila ang kanilang CREDIT CARD sa NIKE PAVILION, KUALA LUMPUR para sa isang shopping spree na nagkakahalaga ng tumataginting na P256,882.50.
Napuna rin ni CABRERA na tila namakyaw rin sina DUTERTE at CARPIO mula sa NIKE SM DAVAO dahil may record na ginamit ng mag-asawa ang kanilang credit card para sa dalawang transaction na nagkakahalagang P300,000 sa iisang araw lamang.
Bukod sa sapatos, mukhang mahilig dinn sa chibog sina DUTERTE at CARPIO dahil lumitaw rin sa pagsilip ni CABRERA na sa isang upuan lang sa GINZA INAKAYA na isang restaurant sa TOKYO, JAPAN.., kinaskas ng mag-asawa ang kanilang credit card para ipambayad sa kanilang bill na nagkakahalagang P205,000.
Si CABRERA ay iprinesenta ng prosekusyon para masuportahan nito ang alegasyon laban kay DUTERTE na mayroon siyang undeclared assets at unexplained wealth simula noong naupo siya bilang VICE PRESIDENT noong 2022.
Mga ka-ARYA.., tila maraming dapat pang malaman ang mamamayan sa walang humpay na paglulustay na kontra sa ipinakikitang pagiging simpleng buhay ni VP SARA na kinakailangan nitong ipaliwanag ang mga isyung ipinupukol sa kaniya.., kung saan, ang mga HIGH GOVERNMENT OFFICIAL ay dapat maging modelo ang mga ito sa pagtalima sa mga itinatakda ng ating konstitusyon tulad na lamang sa pagdedeklara ng kanilang ari-arian na pangunahing panuntunan sa pagiging GOVERNMEBT OFFICIALS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.