Advertisers
Kaugnay ng nalalapit na All Saints Day, inaasahan ang pagdagsa ng mga taong bibili ng mga bulaklak na iaalay sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Ang Dangwa, na kilala bilang pangunahing sentro ng kalakalan ng bulaklak sa Pilipinas, ay dinadayo ng mga tao mula sa iba’t ibang lugar upang bumili ng mga bulaklak.
Bilang paghahanda, sinamantala ni Manila Hawkers Division Director Raffy Alejandro, ang pagkakataong magsagawa ng pagpupulong kasama sina PCAPT Ferdinand Cayabyab ng Station 3 Blumentritt PCP at Chairman Longlong Cansino ng Brgy. 343 Zone 34. Layunin nitong makausap ang asosasyon ng mga tindera sa Dangwa Flower Hub at paalalahanan sila hinggil sa kaligtasan, kaayusan, at kalinisan ng nasabing lugar.
Bahagi rin ng pagpupulong ang paglalabas ng espesyal na permit upang makapagbigay ng karagdagang oportunidad sa mga tindera para sa nalalapit na All Saints Day. (BONG SON)





