Advertisers
Ni BETH GELENA
LUMANTAD na rin sa publiko ang dating naba-blind item o usap-usapan lang na sina Sam Verzosa, isang entrepreneur at ang aktres na si Rhian Ramos.
Sa Instagram account ng both parties ay ibinahagi nila ang kanilang larawan na magka-holding hands habang naglalakad sa red carpet.
Escort ni Rhian si Sam nang um-attend ng GMA Gala Night ang una na ginanap sa Shangri-La BGC, kamakailan.
Pinost ni Sam ang CEO at co-founder ng Frontrow Philippines, ang larawan nila ni Rhian nang ini-interbyu sila ni Tim Yap sa red carpet.
Ito ang unang pagkakataon na lumantad sa publiko ang dalawang personalidad as a couple.
May dating karelasyon si Rhian, isang Israeli guy named Amit Borsok.
Two years ang naging relasyon nila, pero hindi nag-grow ang relationship dahil LDR (long distance relationship) sila.
Sa aming pagkakaalam nag-meet sina Sam at Rhian sa programa ni Willie Revillame, ang Tutok To Win Sa Wowowin nu’ng kasagsagan ng pandemya.
Kaibigan ni Kuya Wil si Sam and at the same time ay isa sa sponsor ng programa.
Nagkataong guest lady co-host ng TV host si Rhian.
Personal na pinakilala ni Kuya Wil si Sam sa Kapuso actress na nagkataong loveless na nu’ng time na yun.
Sa isang panayam naman sa CEO at co-founder ng Frontrow, nabanggit niyang may crush siyang isang actress na obviously ay si Rhian nga.
And the rest is history.
***
K BROSAS AT POKWANG NAAKSIDENTE SA DALLAS, TEXAS
Tweet ni K Brosas nitong August 1, naaksidente sila ni Pokwang sakay ng isang pick-up truck sa Dallas, Texas.
Nagtungo sa Texas sina K at Pokwang para sa kanilang BFF Music and Laughter concert na ginanap noong July 23, 29, at 30, 2022.
Ani K: “So na car accident kami kanina, thank You lord at safe naman kami, ako lang ang may minor cut at may konting bruises.
Nagpapasalamat ang singer-comedienne-TV host dahil ligtas sila ng kaibigang si Pokie though may tinamo siyang pasa at galos.
Kwento pa niya, “Naloka ako sa bilis ng pagdating ng ambulance firetrucks etc.. na check naman ako at ok lang, mabuti malaki yung pickup truck kung saan kami nakasakay. TYL! [Thank you, Lord]”
Nagpost din si K ng larawan ng sinakyan nilang pick-up nang mabangga ito.
“Eto po pala itsura ng bangga.. sa side ko talaga impact kaya ako lang ang mejo na injure ng burberry light lang malayo sa bituka hehe,” siwalat ng Sing-Galing host.
Nagpasalamat din si K dahil ligtas sila ni Pokwang.
“Still thank you Lord talaga.. ok pa rin naman ako at kaming lahat. stay safe po.”
***
AGOT MAY PATUTSADA SA ISANG PELIKULA ‘DEADMA IS KEY’
Sa Twitter account ni Agot Isidro may posted comment siya hinggil sa isa umanong fictitious movie.
Hindi niya binanggit kung ano ang title ng pelikula.
“Wag nyo na kasi pansinin. The mere mention of this fictitious movie is still free publicity. Dedma is key.”
Nag-advise pa ang actress sa kanyang followers at ibang internet users not to mind or give notice to the said movie dahil mako-consider pa raw iyun ng free publicity.
Nagkaroon kasi ng movie discussions sa social media hinggil sa FAMAS awards na ginanap kamakailan.
Ilan sa popular movies na nominated for FAMAS ay ang
Katips, Kun Maupay Man It Panahon, A Hard Day, Big Night, and Arisaka.
Naku, alin kaya sa mga nabanggit na pelikula ang pinatutungkulan ni Agot.
***
JANELLA NAGSIMULA NA NG COUNTDOWN PARA SA VALENTINA
Sa Instagram account ni Janella Salvador may posted siya ng kanyang Valentina photo at nilagyan niya ito ng “the countdown begins.”
Sa August 15 na kasi lilipad si Darna na pinagbibidahan ni Jane de Leon.
Si Janella bilang si Valentina ang kontabida sa Darna: The TV Series.
Siya ang mahigpit na kaaway ni Darna.
Excited na si Janella sa kanilang teleserye na ngayon pa lang ay inaabangan na ng avid viewers ng FPJs Ang Probinsyano.
Magtatapos na ang action serye ni Coco Martin na pitong.taong namayagpag sa ere sa August 12 at sa August 15 ay lilipad na si Darna.
May mga nagrereak na netizens sa pamamaalam daw ng AP, sana ay masiyahan din daw sila sa mapapanood nila gabi-gabi.
Komento naman ng iba, bakit hindi raw nagpu-push ang lead star ng Darna sa pagpo-promote ng kanyang launching teleserye.
Mabuti pa raw si Janella, nagsisimula nang mag-countdown.
Mas excited pa nga raw yata ang aktres kesa sa lead star.
Sabagay, mula nang i-announce na si De Leon ang gaganap na Darna ay mas maraming negative comments kesa positive ang binabato kay Jane.
Komento nga ng netizens, “Mas ina abangan pa si Valentina kesa kay Darna.”
“Star power ang kontrabida.”
Uhmm.. siguro naman mabibigyan ng justice ni Jane ang kanyang character.