Advertisers
NALAGAS ang mga petty criminal sa kalye, pampubliko at mataong lugar sa Kamaynilaan noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sila ang mga salot na napabayaang naglipana sa panahon ng mga dilawan.
Nakatulong din ang pandemya sa pagwalis ng mga taong mikrobyo na namemerwisyo sa mga inosenteng mamamayang nais lang ay mamuhay ng payapa at walang pangamba paglabas ng kanilang tahanan.
Ngayon,pawala na ang pandemya kaya lumalabas na rin ang taumbayan upang magtrabaho at makabangon mula sa lugmok na kalagayan idinulot ng krisis mundial.
Ngayon ay mukhang naghahamon ang mga kampon sa bagong administrasyon ni Apo Bongbong.
Nagpaparamdam na naman ang mga pasteng kriminal( bigtime man o is oltay na mga linsiyak na petty criminals partikular sa mga pampublikong sasakyan ,parke,palengke,terminal at sa mga daungan).
Naririyan na sila at marami bmnang kakungsod na nabibiktima.
Baka akala nila nasa hanimun pa ang mga otoridad at kagawaran sa kanilang bagong adminisrasyon.
Ating kinakalampag ang DILG na atasan na ang Kapulisan at mga otoridad sa LGU upang di na makaporma uli ang mga buwitreng petty criminals.
Dati kasi ay wala nang pangamba ang mamamayan na mabibiktima sa mga pampasaherong sasakyan lalo sa kalunsuran,puwedeng maglakad sa kalye anumang oras na walang hoholdap o iisnats ng mahahalagang gamit.
Sampolan nyo na sila mga sir na otoridad natin.Iyan ang inyong mandato na marapat gawin nyo ,ang pangangalaga sa kapayapaan ng bayan… ABANGAN!