Advertisers
UMAASA ang Premier Volleyball League (PVL) na payagan ng National Universiy ang kanilang player na maglaro sa national team sa semifinals ng Invitational Conference.
Ang Lady Bulldogs, na naghari sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament, ang karamihan sa miyembro ng Philippine national team ang tinapik para sumabak sa Invitational.
Pinalitan ng national team ang Kobe Shinwa Women’s University sa semis, matapos umatras ang Japanese squad dahil sa mga protokol sa kalusugan at kaligtasan.
Gayunpaman, kinumpirma ni PVL president Ricky Palou Linggo na ang Lady Bulldogs ay hindi pa binibigyan ng go-signal nang kanilang management na sumabak sa Invitational Confrence.
“[PNVF] President [Tats] Suzara and the coach wants them to play in our PVL Invitational, pero ayaw ng manager ng NU, kasi baka raw masaktan ‘yung players,” Wika ni Palou sa phone interview.
Nakatakdang simulan ng national team ang kanilang PVL account Lunes laban sa reigning Open Conference champion Creamline sa Mall of Asia Arena.
“They [NU] will give us a final decision by lunchtime, whether they will play or not,” Wika ni Palou.
Ang Invitational Conference ay mag silbi bilang preparasyon ng national team para sa AVC Cup para sa Women, na magsisimula sa Agosto 21 sa PhilSports Arena sa Pasig,City.
Sa 14 na players sa line-up 12 ay mula sa National University, Ivy Lacsina, Mhicaela Belen, Shaira Jardio, Evangeline Alinsug, Cess Robles, Sheena Toring, Jen Nierva, Nicole Mata, Alyssa Solomon, Camilla Lamina, Kamille Cal at Joyme Cagande.
Komumpleto sa team ay sina Jelai Gajero ng California Precision Sports at Trisha Geneses ng Akari.
Kapag hindi pinayagan ang NU players, sinabi ni Palou na itutuloy pa rin ang semifinals ng Invitational Conference, na may limang teams. PLDT,Creamline,Cignal HD, at Army Black Mamba qualified sa semis, habang ang KingWhale ay kasali na guest team.
“I think at this point in time, we’ll just have to do with five teams kung umayaw na ang national team. We’ll see. We’re waiting to see what the national team will say, then after that, we’ll decide,” Tugon ni Palou.