Advertisers
Patay ang isang guro nang makuryente sa tinanggal na extension wire nitong Biyernes sa Atimonan, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Ma. Jane Claire Leyte Andaya, 22 anyos, at residente ng Sitio Lavides Brgy. San Isidro Atimonan, Quezon.
Sa report ng Atimonan Municipal Police Station, naganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima sa nasabing lugar.
Kuwento ng kapatid na si Janeza, katatapos lang maligo ng kanyang kapatid at paglabas ng banyo agad hinugot ang nakasaksak ng ilaw sa extension wire.
Dahil basa pa ng tubig ang katawan ng biktima posibleng natuluan niya ng tubig ang saksakan at bigla na lamang itong nagkikisay at bumagsak sa sahig.
Agad naman humingi ng tulong sa pulis ang kapatid na si Janeza at isinugod sa ospital si Jane subali’t idineklara na rin itong patay ng umatending doktor sanhi ng tinamong internal 3rd degree burn.