Advertisers

Advertisers

4 Kongresista, persona non grata sa Aklan

0 196

Advertisers

Idineklara ng “persona nan grata” sa Aklan ang apat na kongresista sa kanilang kontrobersiyal na panukala kaugnay sa pagpapatakbo ng Boracay Island.

Kabilang dito sina Luis Raymund “Lray” Villafuerte ng 2nd District ng Camarines Sur; Tsuyoshi Anthony Horibata ng 1st District ng Camarines Sur; Miguel Luis Villafuerte ng 5th District ng Camarines Sur; at Nicolas Enciso lll ng Bicol Saro Party-list.

Sa ulat, naging “persona non grata” ang mga ito nang makalusot sa 19th Aklan Sangguniang Panlalawigan ang resolusyon na inihain ni Vice Governor Reynaldo Quimpo sa kanilang sesyon nitong Lunes.



Matatandaang sina Villafuerte at ang iba pang mga mambabatas ang naghain sa 19th Congress ng House Bill 1085 o Proposing the Creation of Boracay Island Development Authority (BIDA) as a Government-Owned and Controlled Corporation (GOCC) noong Hulyo 4, 2022.

Base sa SP Aklan, walang pinagkaiba ang House Bill 1085 sa House Bill 09286 na ikinasa noong nakaraang 18th Congress pero hindi umusad ang nasabing proposal.

Magugunitang mahigpit na tinututulan ng mga opisyal ng lalawigan ng Aklan at mga residente nito ang pagbuo ng BIDA Bill kung saan mapupunta sa national government ang pagpapatakbo sa isla ng Boracay.

Patuloy ng SP Aklan, malaki ang magiging epekto ng BIDA GOCC sa “socio-economic well-being” ng mga taga-Boracay at buong lalawigan ng Aklan.

Nagpapakita umano ito ng kawalan ng respeto sa mga Aklanons.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">