Advertisers
TATLO ang nasawi at anim ang sugatan nang sumalpok ang sinasakyan nilang ban sa puno ng niyog sa bayan ng Kalamansig , Sultan Kudarat nitong Linggo.
Kinilala ang mga nasawi na sina Monera Teliban, Dhido Kabangkalan at Elsa Uso; habang inoobserbahan pa sa ospital ang mga sugatan na sina Simeon Asani, driver ng van; Aida Ambong Mastura, Anisa Adjances, Maliah Taup Ali, Myra Taup Ali at Lyca.
Sa imbestigasyon ng Kalamansig-PNP, Linggo ng hapon naganap ang insidente sa Sitio Babangkaw, Barangay Paril, Kalamansig.
Binabaybay ng Mitsubishi Delica van (RCU-237) ang national highway sa nasabing lugar na minamaneho ni Asani nang nawalan ng preno ang sasakyan.
Dahil dito, gumilid ang sasakyan sa kalsada at nagtuloy-tuloy ito sa niyugan hanggang sa sumalpok sa isang puno ng niyog.
Sa lakas ng pagkakasalpok, agad nasawi ang tatlong sakay habang dinala sa ospital ang anim para lapatan ng lunas ang mga tinamong sugat.