Advertisers
NAGPOSITIBO sa toxic red tide ang apat na coastal area sa Visayas at Mindanao, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Ayon pa sa BFAR, ang lahat ng uri ng shellfish at acetes na makukuha sa Matarinao Bay, Silangang Samar; baybayin ng Dauis, Tagbilaran City, Bohol; Dumanquillas Bay, Zamboanga del Sur; at Lianga Bay, Surigao del Sur ay hindi ligtas kainin.
Pero ligtas naman kainin ang ibang seafoods malibas sa shellfish.
“Ang isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas na kainin ng tao basta’t sariwa at hugasan ng maigi, at ang mga panloob na organo tulad ng hasang at bituka ay tinanggal bago lutuin,” saad ng BFAR.(Boy Celario)