Advertisers
AABOTsa P9.7 milyong halaga ng marijuana ang nasabat sa dalawang tulak sa buy-bust operation sa Balagtas, Bulacan.
Kinilala ni Bulacan Police Director, Colonel Charlie Cabradilla, ang mga naaresto na sina Mark Lambert Bhobe, residente ng Meycauayan; at Angelo Llagas ng Brgy. Gaya-Gaya, San Jose Del Monte.
Ikinasa ang ope-rasyon ng Balagtas Police laban sa mga target 2:45 ng hapon ng Agosto 4 sa Brgy. Santol.
Nakumpiska sa operasyon ang 81 bricks ng marijuana na tumimbang ng 81,000 grams na may estimated value na P9,720,000.
Arestado rin sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sina Jose Oliver Mercado ng Brgy. Malipampang; Jonathan Villafuerte ng Maasim, San Ildefonso; Gemar Naliatan ng Niugan, Angat; Arnold Zaldy Talastas Jr., ng Biñang 2nd, Bocaue; at Benjie Agbay ng Inaon, Pulilan.
Nakumpiska sa mga operasyon ang 10 sachets ng shabu, 2 sachets ng marijuana at buy-bust money.