Advertisers

Advertisers

“Killer” ni Jovelyn pinalaya, opisyal ng pulisya at isa pa inginuso

0 261

Advertisers

PANSAMANTALANG pinalaya mula sa kulungan sa Puerto Princesa, Palawan si Leobert Dasmariñas, ang itinuturong suspek sa pagpatay sa kaniyang pinsan na si Jovelyn Galleno.

Nakapagpiyansa si Dasmariñas sa tulong narin ng dating mayor ng Puerto Princesa City ngayo’y Congressman Edward Solon Hagedorn para narin umano sa kaligtasan ng una.

Kasunod ito ng ginawang pag-amin ni Dasmarinas na hindi siya ang pumatay at mayroong nasa likod sa pagpatay kay Jovelyn.



Inamin din ni Dasmariñas na nakararanas siya ng pambubugbog mula sa loob ng kulungan kungsaan, sangkot ang Station Commander ng Irawan Police Station na si Major Noel Manalo.

Bukod pa rito, nakatanggap din ng pambabanta sa kaniyang buhay at sa pamilya ang suspek mula kay Anti-Crime and City Information officer Richard Ligad na siya rin umanong nagdidikta kay Dasmariñas upang pagtakpan ang totoong sangkot sa krimen.



Dahil dito, ipinadala muna si Dasmariñas sa Metro Manila, upang isalang sa lie detector test upang malaman kung may katotohanan ang ibinibintang nito laban sa dalawang opisyal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">