Advertisers

Advertisers

Mag-asawang NPA na anak ni “Ka Oris” todas sa engkuentro

0 226

Advertisers

NASAWI sa engkwentro laban sa militar ang anak at misis ng yumaong lider ng New People’s Army na si Jorge “Ka Oris” Madlos sa Bukidnon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Vincent Isagani Madlos at ang kanyang misis na si Angie Polandres Salinas na nakipagsagupaan sa tropa ng 8th Infantry Battalion ng 403rd Infantry Brigade sa Barangay Kapitan Bayong, Impasug-ong nitong Sabado, Setyembre 3.

Sinabi ni Malaybalay-based 403rd Infantry Brigade Officer-In-Charge Colonel Ted Dumosmog, kabilang ang mag-asawa sa mga wanted na nangungunang lider ng terorista sa Mindanao.



Sa report, mayroong mga warrant of arrest si Madlos para sa mga krimeng ginawa sa iba’t ibang lugar sa rehiyon ng Caraga at Northern Mindanao.

Sinabi rin ng Army Colonel na nagsasagawa ng special operation ang combat group ng Joint Task Force Diamond nang makasagupa ang grupo ni Madlos.



Narekober ng mga sundalo ang dalawang AK47 rifles, hand grenade, iba pang materyales sa digmaan, at personal na gamit.

Sinabi ni 4th Infantry Division Commander Major Geneneral Wilbur Mamawag na ang sunud-sunod na neutralisasyon ng iba pang nangungunang lider ng komunistang teroristang grupo ay nagbibigay ng mas malinaw na pananaw sa pagwawakas sa lokal na armadong labanan ng komunista sa Northern Mindanao.



Napatay ang matandang Madlos sa operasyon sa bulubunduking lugar ng Sitio Gabunan, Barangay Dumalaguing, Impasugong, Bukidnon noong Oktubre 30, 2021.(Mark Obleada)