Advertisers

Advertisers

MAY-ARI NG SECURITY AGENCY PATAY, ANAK KRITIKAL SA AMBUSH!

0 432

Advertisers

GAPAN CITY, Nueva Ecija – Patay ang babaeng may-ari ng isang security agency, habang nasa kritikal na kalagayan ang anak nito nang pagbabarilin ng lalaking sakay ng motorsiklo, Sabado ng hapon sa Nueva Ecija.

Kinilala ni Police Lt. Colonel Alexie Desamito, hepe ng pulisya rito, ang biktima na si Lilia Cabiedes, 47 anyos, presidente ng Tekforce Security Agency; habang isinugod sa pagamutan ang kanyang anak na si Mark Gabriel Cabiedes, 25, data encoder ng nasabing security agency, at kapwa nakatira sa Barangay Poblacion San Isidro, Nueva Ecija

Sa ulat, 5:40 ng hapon habang pauwi ang mag-ina sakay ng isang modified electric-operated na kotse nang sundan sila ng salarin at pinaputukan ng ilang beses.



Kapwa isinugod ang mag-ina sa pagamutan pero binawian ng buhay si Lilia. Nagtamo naman ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng ulo si Mark Gabriel.

Ayon kay Desamito, sa pinagsanib-pwersa ng Gapan City PS, PIU-NEPPO, PIU Bulacan PPO, San Antonio PS, at San Isidro PS, naaresto ang salarin na 34-anyos, na sinasabing dating empleyado ng naturang security agency.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">