Advertisers

Advertisers

Special vaccination campaign sa Sept. 26-30, isasagawa ng DOH

0 198

Advertisers

MAGSASAGAWA ang Department of Health (DOH) ng isang special vaccination campaign laban sa COVID-19 sa Setyembre 26 hanggang 30.

Ito ang inianunsiyo ni DOH Officer-In-Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire sa isang pulong balitaan nitong Lunes.

Sinabi ni Vergeire na target ng pamahalaan na makapag-administer ng hanggang limang milyong booster shots sa naturang special vaccination campaign.



Ayon pa dito, ang pagbabakuna ay sabayang isasagawa sa buong bansa, at ang pokus nito ay sa mga rehiyon at local government units (LGUs) na mayroong mababang vaccine coverage.

Sa ngayon ay iminu-mobilize na ang mga regional offices at mga LGUs upang matulungan sila sa naturang aktibidad.



Hihingi rin sila ng tulong sa mga medical societies at iba pang stakeholders upang talagang maging ‘one government, one nation’ approach ang naturang special week of vaccination.

“We have computed na kung tayo po ay magkakaroon ng intensive effort during this campaign, we can be able to achieve at least 5 million to 21 million, depende sa efforts na magagawa during that time,” sabi pa nito.



Matatandaang noong Hulyo 26 ay inilunsad na ng pamahalaan ang kanilang “PinasLakas,” na ang target ay makapagturok ng may 23 milyong bakuna hanggang sa Oktubre 8 o sa unang 100 araw sa panunungkulan ng administrasyong Marcos.

Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay nasa mahigit 2.25 milyon pa lamang mula sa 23 milyong eligible population ang nakatanggap ng kanilang first booster shots habang nasa 26,6268 senior citizens pa lamang mula sa 1.07 milyong target ang nabakunahan sa ilalim ng naturang kampanya.

Sa kabuuan, nasa mahigit 72.6 milyong Pinoy na ang fully vaccinated laban sa COVID-19, kabilang ang 18.2 milyong katao na nakatanggap ng first booster dose at 2.3 milyong nakatanggap ng second booster shots. (Andi Garcia)