Advertisers

Advertisers

Mas mabigat na parusa vs online child pornography itinutulak sa Kamara

0 133

Advertisers

ISANG panukalang batas ang isinusulong ngayon sa Kamara na naglalayong patawan ng mas mabigat na parusa sa mga grupo at sindikato na sangkot sa operasyon ng child pornography at online sexual exploitation.

Ang House bill 4116 “Anti-Child Pornography and Online Sexual Exploitation Act,” ay magpapataw ng parusang reclusion perpetua at maximum fine na 2 million pesos sa mga lalabag.

Ayon kay Quezon city 5th Dist. Rep. Alfred Vargas, napapanahon ang naturang panukala upang tugunan ang mahirap na sitwasyon na hinaharap ngayon ng mga kabataan.



Sa ngayon vulnerable ang mga kabataan laban sa mga sexual predators and sindikato na naglipana sa mga online sites.

Tinukoy din ng mambabatas ang 2017 report ng United Nations International Children’s Education Fund (UNICEF) na sa bawat walong sa sampung bata pinoy ay nanganganib na maabuso online.

Aniya kapag naisabatas, magsisilbi itong legal weapon ng gobierno laban sa masamang gawain. (Henry Padilla)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More