Advertisers

Advertisers

P163.8-B budget ng DA para sa fiscal year 2023

0 232

Advertisers

LUMAKI ang budget ng Department of Agriculture (DA) para sa fiscal year 2023, kumpara sa 2022 GAA budget.

Inilatag din nito ang kanilang mga programa na paggamitan sa nasabing pondo.

Hindi lamang ito nakatuon sa pagpapaigting sa produksyon sa sektor na agrikultura kundi pagpapalakas sa value chain at modernisasyon ng sektor.



Ang nasabing halaga ng pondo ay ilalaan sa pagpapalakas ng local production, credit at financial assistance, logistics and mobilization at modernisasyon ng sektor.

Ilan sa mga programang ito ay ang Masagana Rice Program na mayroong nakalaan ng pondo na nasa P30.55-billion.



Nasa P1.14 billion naman para sa sektor ng magniniyog.

Nasa P2.75 billion ang panukalang pondo para sa credit assitance o pautang sa 37,000 mahigit na mali-liit na magsasaka at mangingisda at 130 na MSMEs.



Isang bilyon naman ang inilaan para sa fuel discount para sa 312,698 farmers at fisherfolk.
P249.18 million pondo para sa enhanced kadiwa program at P13.15 billion ang para sa 1,064.88 kilometers ng Farm to Market Road.

Sa kabilang dako, nagpahayag ng suporta si Albay Rep. Edcel Lagman sa budget proposal ng DA, subalit hiling ng mambabatas na i-allign ang kanilang mga programa.

Sa panig naman ni Agri Partylist Rep Wilbert Lee, aniya malaking bahagi na inilaan sa pondo ng DA ay napunta sa technical support na mula P19 billion ngayon ay nasa P40 billion, P34-B sa production support services.

Tiniyak naman ni DA Usec. Domingo Panganiban na kanilang ipamahagi ang mga suporta na ibibigay sa mga magsasaka.

Sinabi rin ni Panganiban na nasa P190 million ang nakalaan para ibigay bilang subsidy sa mga maliliit na magsasaka para pambili nila ng fertilizer at iba pang pangangailangan.