Advertisers
SINAMPAHAN na ng kasong ‘kriminal’ ang mga suspek sa pagkidnap sa pharmaceutical company official na nawala noong Hulyo.
Ang pamilya ng biktim, Eduardo Tolosa, at kanilang abogado, Harry Roque, ay nagtungo sa Department of Justice (DoJ) para magsampa ng kidnapping, murder, at arson cases, base sa endorso ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group, sa pamamagitan ni Col. Frederick Obar.
Ang mga sinampahan ng kaso ay sina Carlo Cadampog, Cesar Cadampog, David Gundran, John Benedict Dimalanta, Melvin Andres, Melchor Andres, Victor Ferrer, Adrian Mendez at Richmeld Ignilan, lahat ng Purok 4, Barangay San Juan, City of Santo Tomas, Batangas; at isang “Tomtom”.
Si Tolosa ay huling nakita sa Bonifacio Global City, Taguig.
Sinabi ng pulisya na ang kotse ng biktma na kulay puting sports utility vehicle ay sinunog ng mga supek sa San Luis, Pampanga.
Apat sa mga suspek ay gumawa ng ‘extrajudicial confessions’ tungkol sa naging bahagi nila sa pagdukot, sinabing ang biktima ay pinatay at inilibing.
Sinabi ng isang opisyal sa lugar ng biktima na nakatanggap siya ng text messages noong Agosto 26, na humihingi ng P100 million para palayain ang biktima.
Natukoy ng pulisya ang sasakyan sa security cameras sa kahabaan ng South Luzon Expressway and Skyway, at radio-frequency identification (RFID) records. – PNA