Advertisers

Advertisers

Kagawad patay sa saksak sa Bataan

0 261

Advertisers

PINAGSASAKSAK hanggang sa mapatay ang isang barangay kagawad sa bayan ng Limay, Bataan.

Kinilala ng Bataan Provincial Police Office (PPO) ang biktima na si Darwin Abuganda, 46 anyos.

Nadakip naman ang salarin na si Romeo Miranda, 48, sa isang follow-up operation.



Sa ulat, nagtamo si Abuganda ng dalawang saksak sa kanyang dibdib, na siyang dahilan ng pagkasawi nito.

“Yung kagawad, inabangan siya nu’ng suspek tapos sinaksak. Dalawa ‘yung saksak niya sa dibdib,” ani Bataan PPO acting director Colonel Rommel Velasco.

“Ang nakikita lang namin doon ay personal grudge doon sa pagkakapatay pero under investigation pa rin siya dahil ‘yung suspek ay hindi parin siya umaamin doon sa ginawa niya,” dagdag ni Velasco.