Advertisers

Advertisers

PBBM planong magtayo ng state-owned mall para sa maliliit na negosyo

0 136

Advertisers

PLANO umanong magtayo ng isang state-owned mall si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasunod ito ng naging pagbisita niya sa isang mall sa Indonesia na pagmamay-ari ng gobyerno kung saan maliliit na negosyong nagtitinda ng lokal na produkto lamang ang pinapayagang pumuwesto.

Aniya, pwede rin itong gawin sa Pilipinas.



Kaugnay nito, ipinaalam ni Pangulong Marcos kay Indonesian President Joko Widodo ang “One Town, One Product” (OTOP) program ng gobyerno ng Pilipinas na layong makatulong sa Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) at sa pag-promote ng sarili nating mga produkto.

Samantala, nakipagkita rin ang pangulo sa malalaking negosyante sa Indonesia at hinimok ang mga ito na mamuhunan sa bansa. (Josephine Patricio/Vanz Fernandez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More