Advertisers

Advertisers

Transport at civic group nabahala

0 299

Advertisers

PARA matiyak ang kaligtasan ng mga commuters apat na transport civic groups ang lumagda sa joint petition na nananawagan sa inter-agency technical working group (TWG) ng gobyerno na namamahala sa pagsasagawa ng pilot test ng mga serbisyo ng motorcycle taxi sa Pilipinas, ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. upang suriin ang pagbebenta ng Move it Philippines sa Grab.

Ang mga civic groups na pumirma sa petition ay, Lawyers for Commuters Safety and Protection, National Public Transport Coalition, ARANGKADA Riders Alliance at Digital Pinoys.

Sa press conference sinabi ni Atty. Ariel Inton, founder ng Lawyers for Commuters Safety at Protection, ang ugat ng kanilang pag-aalala ay ang pag-aaral ng pilot ay mahigit tatlong taon nang nagpapatuloy at tila ang deal sa pagitan ng Grab at Move It ay dinisenyo para magkaroon ng instant ang Grab. Accreditation sa bisa ng pagkuha nito ng Move It na pinagkalooban ng accredita3on ng TWG.



Binigyang-diin ni Inton na ang pagkuha ng Move It ay hindi dapat nangangahulugang awtomatikong nakuha ng Grab ang TWG accreditation na ibinigay sa Move It.

“Hindi dapat ibig sabihin na kapag ang isang TWG accredited company ay nag-withdraw o nagpakita na hindi na ito interesado sa pagpapatakbo ng isang motorcycle taxi service, katulad ng planong pagbebenta ng Move It to Grab, ang accreditation ay awtomatikong inililipat,” paliwanag ni Atty. Inton.



Ang pahayag na ito ay suportado ng National Convenor at Chairman ng National Public Transport Coalition, Ariel Lim. “Kailangan may justification sa pagbebenta na ginawa sa TWG as Move It is under the jurisdiction of the government inter-agency group so the legality of the sale, and the alleged suncequent automa3c gran3ng of the accredita3on can be studying.

Kaugnay nito sama-samang sinabi ng grupo na alam ng Senado, Kongreso, at bagong halal na Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang potensyal na epekto ng pagkakaroon ng tamang batas sa motorcycle taxi at sa huli, ito ay tunay na kapakanan ng Filipino riding public na nasa panganib.



Samantala sinabi naman ng ARANGKADA Riders Alliance na pinamumunuan ng National Chairman nitong si Rod Cruz ay nagpahayag ng mga diumano’y mga reklamo at mga hindi nase-Sled na obligasyon ng Grab sa mga sumasakay nito at tinanong ang kakayahan ng Grab na pangalagaan ang kapakanan ng mga sumasakay nito.(Boy Celario)