Sa botong 264-6-3 ng mga kongresista…PAGPALIBAN ULI SA BGY. AT SK ELECTIONS NANAIG SA KAMARA, ITINAKDA NG DEC. 2023
Advertisers
APRUBADO na ng Mababang Kapulungan ang panukalang batas na House Bill No.4673 sa third and final reading kaugnay sa hangarin na pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Batay sa panukala, itinakda ang synchonized Barangay at SK elections sa unang Lunes ng December 2023.
Ayon sa pamunuan ng Kamara ang pag-apruba sa naturang panukala nitong Martes ay patunay na on track sila sa kanilang agenda na aprubahan ang House Bill 4673 bago mag-October 1, 2022 at para mapirmahan na rin ito ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bago ang December 5, 2022 barangay and SK elections.