Advertisers
HIGIT sa P1.7- million halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa buy bust operation laban sa isang babae na nasa high value target nitong Huwebes, Setyembre 22, sa Tagbilaran City, Bohol.
Kinilala ang nadakip na si Gemuba Librada Ras Alcala, 33 anyos, ng Barangay Yanangan, Loay, Bohol.
Sa pinagsamang operasyon ng Tagbilaran Police Station, RPDEU, PDEA at RPIU, nadakip ang suspek 8:35 ng gabi sa Barangay Bool.
Nakuha sa mula sa suspek ang nasa 255 gramo na shabu at aabot sa halagang P1,734,000.