Advertisers

Advertisers

Online sellers basahin nyo ito! ‘ONLINE DELIVERY SERVICES GAMIT NG BUDOL-BUDOL’

0 228

Advertisers

HINILING ni Surigao del Norte Congressman Robert Ace Barbers sa Department of Trade and Industry (DTI) at iba pang ahensya na atasan ang online delivery services na higpitan ang pagbabantay sa online ‘budol-budol’.

Ayon sa mambabatas, nakatanggap siya ng ilang ulat na nagiging target ang mga madalas bumili sa online gamit ang Cash-on-Delivery (CoD) payment method.

Aniya, modus ng mga ito na magnakaw ng personal data gamit ang social media account, at gamitin ito para magpadala ng mga item o produkto na hindi naman talaga nila binili, karamihan naglalaro sa P100 hanggang P500 ang halaga.



Darating ang item sa tahanan ng indibidwal at kung nabuksan ito at naka-alis na ang delivery rider ay kailangan pang magbayad ng nabiktima ng ‘Return to Sender Fee’.

Marami rin, aniya, ang hindi nagsusumbong sa awtoridad dahil lalo pang mas lumaki ang kanilang gastos.



“I have received numerous reports of people victimized by online scammers who steal personal data from targeted victims’ FB, Messenger, or other social media accounts and use them to deliver bogus goods to victims, some of whom did not even order such goods. Sa mga legit na online sellers, may option ang online buyers/consumers tulad ng pagsauli ng items at makakuha ng refund kung mali o bogus yung nai-deliver sa kanila. Pero ‘pag na scam ka, goodbye na sa pera mo,” ani Barbers.

Bunsod nito, dapat aniya paigtingin ng online delivery services ang pag-verify sa kanilang online sellers sa pamamagitan ng paghingi ng pagkakakilanlan tulad ng government issued ID.



Hiniling din ng mambabatas sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na bumuo ang kanilang anti-cybercrime offices ng hotlines para mas madaling makapagsumbong ang mga indibidwal na mabibiktima. – Mula sa Radyo Pilipinas