Advertisers

Advertisers

Kapitan ng barko nang-rape, sex video ikinalat sa socmed

0 547

Advertisers

Arestado ang isang lalaki na nang-rape ng 16 anyos na babae sa isinagawang entrapment at rescue operation ng Station 2, Mandaue City Police Office sa Mandaue City.

Kinilala ang suspek na si Macarlito Miro Culanag, 54 anyos, kapitan ng isang tugboat na naka-angkorahe sa lungsod ng Danao, at residente ng Canlumacao, Santander, probinsiya ng Cebu.

Sa ulat, isinagawa ang operasyon sa pamumuno ni Police Lieutenant Rongy Cidro, deputy station commander kasama ang Women’s and Protection Desk Chief Police Corporal Angie Lepiten, sa ilalim ni Police Major Romeo Caacoy, Jr., hepe ng Station 2, Mandaue City Police Office at sinamahan ni Fedilina Pesquera, social worker sa isang motel sa Mantawi Drive, Subangdako, Mandaue City.



Base sa imbestigasyon, noong Setyembre 9 nakipagkita ang suspek sa biktima at dinala ito sa isang inuman at nang malasing ang biktima dinala ng suspek sa motel at ginahasa. Kinuhanan pa ng video ang biktima kung saan makikita ang hindi kanais-nais na ginawa ni Culanag.

Nakabilanggo na si Culanag sa detention cell ng Police Station 2 ng Mandaue City Police Office at inihanda na ang kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse, RA 8353 in relation to RA 7610 at RA 10175 o Cybercrime Prevention Act laban kay Culanag.