Advertisers

Advertisers

Titser patay sa saksak ng estudyante

0 314

Advertisers

Patay ang isang guro nang saksakin ng kaniyang estudyante sa lungsod ng Samar.

Kinilala ang biktima na si George Lauron, 32 anyos, high school science teacher sa Basey National High School (BNHS).

Sa police report ng Basey Municipal Police Station, nagtamo si Lauron ng tama ng saksak sa kaniyang dibdib.



Ayon sa pulisya, kinilala ang salarin na si Kurt Lancanan Apolinar, 19 anyos, Senior High School Student ng Basey National High School, at residente ng Brgy. Lawaan Basey, Samar.

Sa report, nangyari ang insidente Lunes (Oct. 3) ng umaga at kaagad din sumuko si Apolinar sa pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon, magkakasama sina Lauron, Apolinar, at isa pang lalaki na nag-iinuman sa inupahang kuwarto ng guro.

Sa hindi pa matukoy na dahilan, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ni Lauron at Apolinar na nagresulta na sa pananaksak ng salarin.

“But in the course of their drinking spree, the two had a heated argument which prompted the suspect to stab the victim in his chest using a knife,” ayon kay Police Executive Master Sergeant Gerry Vargas.



Dinala pa sa Basey District Hospital si Lauron pero idineklarang dead-on-arrival.

Nakakulong na si Apolinar sa himpilan ng pulisya habang hinihintay ang pagsasampa ng kasong pagpatay laban dito sa prosecutor’s office sa Basey.