Advertisers

Advertisers

PILIPINAS BLACKLISTED SA CHINA DAHIL SA POGO

0 289

Advertisers

IBINUNYAG ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ‘blacklisted’ na ng China ang Pilipinas bilang ‘tourist destination’ dahil sa patuloy umanong pag-operate ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Ways and Means, na pinamumunuan ni Sen. Sherwin Gatchalian, ibinahagi ni Zubiri ang impormasyon mula kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ayon kay Zubiri, sinabi ni Huang na ang hakbang ng kanyang gobyerno ay para sa kaligtasan ng kanilang mamamayan sa Pilipinas.



Sinabi rin ni Zubiri na isinama ang Pilipinas sa listahan na ipinagbabawal na puntahan ng mga turistang Tsino sapagkat hindi umano tiyak kung sasali ang mga turista sa POGO operations, at hindi nila alam kung ligtas ba ang mga Chinese nationals na pupunta sa Pilipinas dahil umano sa iligal na aktibidad na pinapatakbo ng mga sindikato.

Gayundin, binanggit pa ng senador na posibleng dukutin ang mga turistang Chinese at mapagkamalang kabilang pa sa nagpapatakbo ng POGO.

“Ambassador Huang said that the Philippines now is part of a blacklist of tourist sites because they do not know if the tourist going there will be operating or will be joining Pogo operations,” ani Zubiri.

“They do not know if Chinese nationals who go to the Philippines will be safe from illegal activities being done by the triad, by the syndicates operating Pogos. They may also be kidnapped and mistaken for Pogo operators. So, that is the reason why there’s been a drop, a significant drop of Chinese tourists,” dagdag ng pangulo ng Senado. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">