Advertisers

Advertisers

BANTAG, KASAMA SA 160 ‘PERSONS OF INTEREST’ SA LAPID MURDER!

0 390

Advertisers

UMABOT sa160 personalities, kabilang ang sinuspindeng Bureau of Corrections (BuCor) director general na si Gerald Bantag, ang itinuring “persons of interest” sa pagpaslang sa hard-hitting radio commentator at tabloid columnist na si Percival “Percy Lapid” Mabasa, sabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Ayon kay PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr., nirebyu ng pulisya ang nasa 600 posts ni Lapid, kungsaan kinilala nila ang 160 personalities na madalas batikusin ni Lapid simula 2021.

“There are almost 160 personalities, more or less, different personalities: mga pulitiko, mga military, mga pulis. Ito iyong mga tinitingnan natin na mga probable na baka may kinalaman doon sa pagkamatay ni Percy,” sabi ni Azurin sa press briefing sa Camp Crame, Quezon City.



Nang tanungin ang opisyal kung kasama si Bantag sa persons of interests, sagot niya: “Oo, kasama siya.”

Patuloy parin aniyang nirerebyu ng pulisya ang mga isyu at personalidad na madalas upakan ni Lapid.

Pero nilinaw ni Azurin na ang mga pinaka-madalas batikusin na personalities ni Lapid ay hindi naman nangangahulugan na ang mga ito’y suspek sa likod ng paglikida sa mamamahayag.

“Kaya nga sinasabi ko, very critical iyong statement noong mga iniimbestigahan na nasa custody ng PNP. In the same manner, iyong mga inmate na kasama ni (Cristito) Villamor sa selda dahil most probably, may mga alam din iyong mga iyon,” sabi ng Chief PNP.

Nitong nakalipas na Biyernes, inanunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na si Bantag ay isinailalim sa ‘ preventive suspension’ sa utos narin ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. “to have a fair, impartial investigation on the matter so that all doubts will be put to rest.”



Nangyari naman ito kasunod ng pagkamatay ni Villamor, ang bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) na sinasabing “middleman” sa pagpaslang kay Lapid.

Si Villamor ay namatay sa NBP hospital ilang oras bago iharap sa media ang sumuko at umaming gunman na si Joel Escorial noong October 18.

Sa kabilang banda, tiniyak ni Azurin sa publiko na ang isa pang middleman na nakakulong naman sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility na si Christopher Bacoto na isinangkot ni Escorial, ay bantay-sarado.

Si Lapid ay napakaanghang magkomentaryo sa kanyang programang “Lapid Fire” sa AM radio DWBL 1242. Nanggaling din siya sa govt. media at DWIZ, at naging kolumnista ng tabloid Police Files TONITE at HATAW. Dati rin siyang direktor ng National Press Club (NPC). Matandang kapatid siya ng newspaper reporter na si Roy Mabasa ng Manila Bulletin, dating NPC President.