Advertisers
Nagsanib-puwersa ang iba’t ibang grupo mula sa gobyerno, medical community at civil society upang ilunsad ang isang koalisyon na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga senior citizen at pagbibigay ng libreng flu vaccine.
Tinaguriang Raising Awareness on Influenza to Support Elderlies (RAISE), ang grupo katuwang ang Pasay City LGU kasama ang iba pang sector na nanawagan para sa pag-amyenda sa Expanded Senior Citizens Act sa layuning mabiyan ng libreng bakuna laban sa trangkaso ang lahat ng mamayan ng senior citizens sa buong bansa.
Binigyan diin ni Philippine Foundation for Vaccination (PFV) President Dr Rose Capeding ang pagbibigay ng access sa mga matatanda para sa libreng bakuna upang maiwasan ang mga komplikasyon anuman ang kanilang katayuan.
Sinabi ni Dr gene Solante na, bukod sa iba pang mga komplikasyon, ang mga matatandang Pilipino na may trangkaso ay may mas mataas na panganib na atakehin sa puso ng tatlo hanggang limang beses at stroke ng dalawa hanggang tatlong beses sa unang dalawang linggo ng impeksyon.
Idinagdag pa ni Dr Eric Tayag ng Rotary Club Philippines Kailangan din nating tandaan na tayo ay nasa isang pandemya pa rin, na nangangahulugan na ang mga senior citizen ay mayroon pa ring panganib ng co-infection ng COVID-19. (CESAR MORALES)