Advertisers

Advertisers

Bus carousel may ‘Libreng Sakay’ magdamag sa Dis. 15-31

0 212

Advertisers

ILANG araw bago ang napipintong pagtatapos ng “Libreng Sakay” progam para sa nasabing serbisyo, magiging libre sa buong gabi ang EDSA Bus Carousel mula Disyembre 15 hanggang 31.

Sa ngayon, may bayad ang sasakyan sa EDSA Bus Carousel mula alas-11 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

Sa mga oras na naniningil ang EDSA Bus Carousel, nasa P61.50 ang end-to-end na biyahe mula Caloocan hanggang sa Parañaque Integrated Terminal Exchange.



Nasa P13 naman ang minimum fare nito.

Pakiusap naman ng ilang driver at conductor na bayaran muna sila bago gawing magdamagan ang Libreng Sakay.



Ang Department of Transportation, inaasikaso na umano ang pagbabayad sa mga bus concessionaire at nanawagan na bayaran nang tama ang kanilang mga empleyado.

Ayon sa LTFRB, umaabot sa P10 milyon hanggang P12 milyon ang bayad para sa libreng sakay sa EDSA Bus Carousel kada araw na may 350 hanggang 400 na tumatakbong bus.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">