Advertisers

Advertisers

2 EX-MTPB, ARESTADO SA SMART

0 342

Advertisers

Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team(MPD-SMaRT) ang dalawang dating miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na unang nasentensiyahan sa salang pangongotong, kahapon ng madaling araw sa may Quirino.Avenue,Pandacan,Maynila.

Naka-nuniporme pa ng MTPB ang mga suspek na sina Rocky Macarian Y Bernal,34, ng No.1901 Int. 61Bo. Barona, Pandacan, Manila at Jeromie.Millel,43, ng 416 Concha Street, Tondo, Maynila.

Napag-alamang alas- 4:30.ng madaling araw nang maispatan ang dalawang suspek nina Elvin Vicquerra at Reynald Dolleton,kapwa miyembro ng MTPB Special Operation Group, na nagsasagawa ng operasyon laban sa mga scalawags malapit sa Clean Fuel Gas Station sa Quirino Ave.,Pandacan.



Kaagad silang humingi ng assistance sa SMART para maaresto ang dalawa na noon ay nag- aabang ng mga driver ng truck na kanilang bibiktimahin.

Tinangka pa umano ng dalawa na tumakas at hubarin ang suot na uniporme nang tanungin sila kung saang sector sila kaanib, pero naaresto rin sila ng mga pulis.



Ayon kay PCpl Emherson Purinang SMaRT, pangalawang beses nang naaresto ang mga suspek at nasentensiyahan na rin ng anim na buwan pero muli na namang bumalik sa iligal nilang gawain.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 177 (Usurpation of Authority of Official Functions) as amended by Republic Act 379 and Article 179 (Illegal Used of Uniform and Insignia) ng Revised Penal Code.sa Manila Prosecutors Office ang mga suspek. (JERRY S. TAN)