Advertisers

Advertisers

P2m cocaine nasabat sa Taguig

0 223

Advertisers

TINATAYANG humigit-kumulang sa P2 milyon pisong halaga ng cocaine ang nasabat nang pinagsanib na elemento ng SPD-Drug Enforcement Unit at Taguig City Police nang salakayin ang isang storage facility sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) acting Director PGgen Jonnel Estomo na isinagawa ang operasyon nang makatanggap sila ng intelligence report hinggil sa pinagtataguan ng mga illegal drugs sa nasabing lungsod.

Sa tulong ng pinagsanib na puwersa ng Southern Police District- Intelligence Division, SPD District Drug Enforcement Unit at Taguig City Police ay ikinasa ang operasyon dala ang search warrant patungo sa Brgy. Western Bicutan kung saan nasamsam ang mga iligal na droga.



Kinumpiska din ng mga awtoridad ang iba’t ibang E-cigarette o vape cartridge na naglalaman umano ng liquid marijuana o ‘kush marijuana’ na tinatayang nasa 30 gramo.

Bukod pa dito, nadiskubre ng mga operatiba ang ilang identification cards, maliit na transparent glass at plastic tube containers na naglalaman ng hinihinalang liquid marijuana at iba’t ibang drug paraphernalias.

Sa kabila nito, ikinagalak at pinuri ni Estomo ang mga operatiba dahil sa matagumpay na operasyon ukol sa pagkakasabat ng mga illegal drugs. Aniya, napigilan ng kapulisan na makalusot ang mga illegal drugs na makasisira sa buhay ng mga kabataan.

Samantala, lahat ng mga nakumpiskang iligal na droga ay isinalin na ngayon sa pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office- NCR Southern District para sa kaukulang disposisyon.(Jojo Sadiwa)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">