Advertisers

Advertisers

6 NPA patay sa engkwentro sa Northern Samar

0 86

Advertisers

Nasawi ang anim na miyembro ng New People Army (NPA) nang maka-engkwentro ng Militar ang mga Rebelde sa Las Navas, Norhterm Samar.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilan ng 6 na nasawing rebelde na kinabibilangan ng 1 amazona at 5 lalaki.

Ayon kay MGen Benedict M. Arevalo, Commander ng Visayas Command, ang engkwentro naganap sa pagitan ng pinagsanib na elemento ng 803rd Infantry Brigade ng Joint Task Force Storm at may 40 mga rebelde nasa ilalim ng Bisaya Regional Party Committee sa Brgy Imelda, Las Navas, Northern Samar.



Isinagawa ang operasyon ng militar base sa mga ibinigay na impormasyon ng mga residente sa pagkukita ng mga rebelde sa nasabing Barangay.

Tumagal nang mahigit isang oras ang bakbakan na nagresulta ng pagkasawi ng 6 mga rebelde habang tumakas ang sa ibat ibang direksyon ang iba pang mga rebelde.

Narekober ng mga sundalo ang 1) Cal. 60 machine gun; 10 M16 rifles; 1) M4 assault rifle; 1) AK 47 rifle; 1) M14 rifle; 2) Bushmaster assault rifles, 2) M653, mga personal na kagamitan at war materiel.

Sinabi ni Arevalo na ang nasabing grupo ng mga rebelde ang responsable sa pagsalakay sa Brgy. Dorillo, Jipapad, Eastern Samar na ikinasawi g 2 sundalo at pagkakasugat 2 sundalo at 10 taong bata.

Patuloy naman ang pagtugis ng militar laban sa mga tumatakas na mga rebelde na pinaniniwalaan marami amg sugatan dahil sa mga bakas ng dugo sa mga dinaraanan ng mga ito.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More