Advertisers
Patay ang isang tricycle driver nang undayan ng saksak sa leeg sa isang KTV Bar sa Barangay Tiniguiban, Puerto Princesa City.
Kinilala ang biktima na si Mark De Lima, nasa hustong gulang. At ang salarin na sina Elfredo Florentino at Benjie Piojo, mga construction worker.
Sa imbestigasyon ng Police Station 2, magkahiwalay ang grupo ng biktima at salarin at habang nasa loob ng KTV nagkaroon ng suntukan.
Sa CCTV footage ng bar at testigo, nakita na sinuntok ng mga salarin ang kasamahan ng biktima. Kalauna’y bumunot na si Elfredo ng patalim at sinaksak si Mark.
Ayon sa PS2, lumalabas na ‘nakursunadahan’ lang ang biktima.
Samantala, nahaharap sa kasong Murder ang dalawang salarin nang mahuli sa follow up operation.