Advertisers

Advertisers

Tsekwa todas sa ratrat ng tandem

0 139

Advertisers

Patay ang 32 anyos na Chinese national nang pagpabarilin ng riding-in-tandem sa tapat ng isang hardware sa San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang naarestong rider suspect na si Sarbjit Singh Braar, 28, Indian national, businessman, mastermind, residente ng Residencia, Brgy. Muzon; habang nakatakas naman ang alyas Dong na itinuturong backride gunman.

Ang biktima kinilalang si Lin Zhihao, tubong China, may-asawa at residente ng naturang lugar.



Sa report ni SJDM Acting chief of police PLt/ Col. Ronaldo Lumactod Jr, nangyari ang insidente 11:20 ng umaga nitong Nobyembre 21, sa JKL 568, Hardware, Sitio Luwasan, Brgy. Muzon.

Ayon sa imbestigasyon, pagbaba ng biktima sa kanyang sasakyan mula sa isang bangko nang biglang sumulpot ang mga suspek na nakabuntot sa kanya lulan ng motorsiklo.

Bumaba ang gunman na walang kaabog-abog na pinagbabaril ang biktima na tumama sa iba’t ibang parte ng katawan nito hanggang sa tumakas ang mga ito sa direksyon ng Sta. Maria.

Isinugod naman ang biktima ng mga kaibigan at kanyang staff sa Skyline Hospital para sa paunang lunas subalit binawian din ito ng buhay.

Dahil dito, isang saksi ang natunton ng pulisya na umanoy nakakilala at madalas makakita sa rider sa lugar kaya agad nagsagawa ng hot pursuit operations hanggang sa mahuli ito.

Nahaharap ang salarin sa kasong murder habang patuloy ang pagtugis ng pulisya sa nakatakas na gunman.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">