Advertisers

Advertisers

Fajardo lumagok ng 20 pts, Beermen binangga ang Dyip, 131-103

0 58

Advertisers

Laro sa Biyernes
PhilSports Arena
(3:00pm) BWB
vs. ROS
(5:45pm) GIN vs. NLX

DISMAYADO naman ang tsansa para sa Terrafirma Dyip, wala sa protocol ang import na si Lester Prosper, sakto naman sa pagbabalik ng San Miguel ace behemoth na si June Mar Fajardo.

At tulad ng Bay Area laban sa TNT squad na dumanas ng injury, kalmanteng nasungkit ng Beermen ang 131-103 panalo laban sa Dyip sa PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena sa Pasig, Miyerkules.



Sa pagbabalik ni Fajardo, nagpamalas ang Beermen ng ibayong determinasyon na itulak ang kanilang target para makahabol ng tiket sa post-elims play.

Nakakolekta si Fajardo ng 20 puntos at siyam na rebounds sa kanyang pagbabalik mula sa isang throat surgery, na umakma sa 25 markers ni Jericho Cruz at triple-double ni Devon Scott na 21 puntos, 19 rebounds at 11 assists.

Sina Vic Manuel (20) at CJ Perez (12) ay may sarili nilang double-digit output diretso sa pagpinid ng Beermen sa sixth-placer NorthPort (6-5), patugo sa mga huling laro sa elims.

Puntirya ng Beermen na maisulong ang kanilang mas maalab na hangarin sa pagsagupa nila sa TNT at Meralco sa huling dalawang nalalabing asignatura.

Ang pagwalis nito sa dalawang laro ang maghahatid sa Beermen sa best-of-three position sa quarterfinals.

“Gumaan ang lahat dahil nandyan na si June Mar,” sambit ni Cruz kung saan tutok din sa pagbabalik ni Terrence Romeo sa lalong madaling panahon.



“Terrence is Terrence, malaki ang maitutulong nya pagbalik nya.”

“The game plan was to go hard, not thinking wala silang import,” sabi ni assistant coach Jorge Gallent.

Matiyaga na namaybay ang Beermen kung saan inakyat nila ang sixth spot bitibit ang ikalimang panalo sa gayundin bilang ng kabiguan. (Louis Pangilinan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More