Advertisers
NAKATAKDANG lumahok ang two-time Olympian Ernest John “EJ” Obiena ngayong Linggo sa Diamond League tournament sa Monaco.
Lumitaw ang pangalan ni Obiena sa listahan ng participants para sa men’s pole vault event, kung saan siya nanateling 4th-best pole vaulter sa mundo.
Sasabak siya kasama sina Paris Olympic medalists Emmanouil Karalis ng Greece, Sam Kendricks ng United States, at champion Sweden’s Armand Duplantis.
Ang Olympian’s season’s best ay sa 5.80 meters, na katulad rin kay Kendricks.
Ngayong taon, nangibabaw si Obiena sa Orlen Copernicus Cup sa Torun, Poland, natalon ang kanyang season’s best at 5.80 m, bago dominahin ang Asian Athletics Championships sa South Korea noong Mayo, nalundag ang 5.77 m.
Bago nagtapos na fifth sa FBK Games sa Netherlands bago nagtally ng “no mark” sa Bislett Games sa Norway, at nagtapos finishing 7th sa Stockholm na 5.70 m.
Inanunsyo rin ng doubleOlympian na siya at ang kanyang pole vaulting peers, kabilang si Duplantis, ay makibahagi sa special pole vault challenge sa Makati City ngayon taon.
Ang Atletang Ayala World Pole Vault Challenge ay gaganapin sa Ayala Triangle Gardens sa Sept. 21.