Advertisers

Advertisers

Fighting Maroons sinubsob ang Growling Tigers, 78-60

0 48

Advertisers

KINAILANGAN ng University of the Philippines ang malaking ariba sa second half para pigilan ang pag-skid ng University of Santo Tomas, 78-60, sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena, Miyerkules.

Umangat ang Fighting Maroons sa 11-2 para makasiguro ng kahit man lang playoff para sa twice-to-beat advantage sa Final Four.

Laglag ng tres ang Growling Tigers sa kalagitnaan ng third quarter, nagsanib puwersa sina JD Cagulangan at Cyril Gonzales para itulak sa 10 ungos ang UP pagpasok sa final frame, 59-49.



Sinimulan nina Cagulangan, Carl Tamayo, RC Calimag, at Gonzales ang huling kanto na may 11 sunod na puntos sa isang deuce at tatlong sunod na triples, ayon sa pagkakasunod-sunod, para sundutin ang laro sa natitirang 7:33, 70-49.

Umangat ang Fighting Maroons sa 11-2 para makasiguro ng kahit man lang playoff para sa twice-to-beat advantage sa Final Four.

“Si Coach Gold rarely talks sa pregame yung mga standings really because our season has been built on growth ng team, just building every game but at the same time realizing yung importance ng larong ito na twice-to-beat obviously malaking advantage yun,” sambit ni Fighting Maroons assistant coach Christian Luanzon.

Nanguna si Tamayo sa UP na may 19 puntos at siyam na rebounds habang si Gonzales ay may sariling 14 puntos.

Si Malick Diouf ay may kumpletong laro na 10 puntos, 14 rebounds, anim na assist, dalawang steals, at isang block para sa Fighting Maroons, na gumamit ng lahat ng 15 manlalaro.

Nanguna pa rin si Nic Cabañero sa UST na may 14 puntos at pitong rebounds habang may 12 puntos at 11 rebounds si Adama Faye.



Na-absorba ng Growling Tigers ang kanilang ika-11 sunod na pagkatalo para lumubog sa 1-11. (Louis Pangilinan)

Iskor:
UP 78 — Tamayo 19, Gonzales 14, Diouf 10, Cagulangan 8, Lucero 6, Abadiano 4, Galinato 4, Spencer 3, Ramos 3, Calimag 3, Alarcon 2, Torculas 2, Lina 0, .
UST 60 — Cabañero 14, Faye 12, Calimag 7, Pangilinan 6, Manalang 6, Laure 4, Mantua 4, Manaytay 3, Magdangal 2, Garing 2,

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More