Advertisers
IPINAHAYAG ng isang alkalde na posible ang mga bangkay ng mga nawawalang sabungero ay itinapon sa Taal Lake, nguni’t wala raw siyang alam sa kaganapan.
“Feasible po talaga ‘yun lalo na kung may intensyong masama… Ngayon ko lang po ‘yan narinig. Nung 2021 hindi pa tayo mayor, tayo ay nasa pribado kaya hindi natin alam na may nangyayaring ganyan,” wika ni Laurel, Batangas Mayor Lyndon Bruce.
Sinabi ng alkalde na ma-kikipag-ugnayan siya sa national government agencies na nagsasagawa ng retrieval operations nguni’t dapat munang imbestigahan ng mga awtoridad kung saan itinapon ang mga bangkay.
Nagbabala siya na ang mga ulat ng mga bangkay na itinapon sa Taal Lake ay maaa-ring makaapekto sa turismo at kabuhayan ng mga mangingisda.
Ang Taal Lake, ang ikatlong pinakamalaking lawa sa Pi-lipinas na may lalim na 172 metro, na napapaligiran ng mga bayan ng Agoncillo, San Nicolas, Balete, Alitagtag, Cuenca, Mataas na kahoy, Lipa City, Tanauan City, Santa Teresita, Talisay, at Laurel.
Isang whistleblower ang nagsabing mahigit 100 sabungero ang dinukot, sinakal at itinapon ang kanilang mga katawan sa lawa dahil sa pandaraya sa “e-sabong” ng grupo ni Atong Ang.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na maaaring magsimula ngayong linggo ang paghahanap sa mga labi ng mga nawawalang sabungero na itinapon umano sa Taal Lake, sa palaisdaan ng isa sa mga suspek.