Advertisers
NAGSANIB pwersa ang GCash at Sendwave, isang bagong “fee-free money transfer apps” o’ “libreng pera padala” para sa mga Filipino sa abroad.
Sa paglulunsad ng Sendwave nitong nakaraang linggo sa Quezon City, ipinakilala bilang endorser ng bagong app si King of Talk Show host Boy Abunda na nagsabing, agad siyang napapayag dahil nakita niya ang kahalagahan ng ‘Sendwave app’ sa mga “Kababayan” natin sa iba’t-ibang bansa.
“Nakita ko agad ang kahalagahan ng Sendwave para sa ating mga kababayan sa abroad na nagpapakahirap para sa kanilang pamilya. Ang magpadala ka ng iyong kinikita sa iyong pamilya nang walang bayad ay malaking katipiran na, maging sa pagod at abala. Parang nag-text ka lang, at nasa iyong pamilya na ang iyong padalang pera,” paliwanag ni Abunda.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Dan Santos, Sendwave Growth Manager sa Pilipinas, na ang kanilang kumpanya ay naki-pagtambalan na sa mga
tradisyunal na paraan ng ‘money transfer’ gaya ng bank transfers o’ cash collection, at maging sa mga digital wallets gaya ng GCash.
Katunayan, dagdag pa ni Santos, ang Sendwave at GCash ay magka-parner na upang matulungan ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at ang kanilang mga mahal sa buhay na pakinabangang mabuti ang pinaghirapang pera sa pamamagitan ng mabilis at patas na pagpapadala nang walang bayad o’ “remittance na zero transaction fees and reasonable exchange rate.”
Aniya, ang inilunsad nila ang Sendwave sa Pilipinas noon pang September 2021 bilang pag-tugon sa pandemiyang dulot ng Covid-19. At tinataya nilang makakatipid ang ating mga OFW ng $1 bilyong kada taon, sa paggamit ng kanilang fee-free up.
“Through the Sendwave app, OFWs can securely send money back home directly to a family member’s GCash app – without the need to fill out forms, line up, or leave to go to a bank or remittance center,” paliwanag ni Santos.
Samantala, si Julie Abalos, International Remittance Head ng GCash, ay naghayag naman na ang GCash ay isa nang pinaka-malaking is digital wallet sa Pilipinas, na 83 percent ng adult population ng bansa ay gumagamit na nito.
“Close to 70 million Filipinos are now placing their trust in GCash and we are still growing. We vow to continue providing reliable service to our customers and innovate to deliver their fintech and lifestyle needs,” paliwanag ni Abalos.
Ang Sendwave ay unang inilunsad noong 2014 at napalawig sa parte ng mga bansang Africa, Asia at Latin America at ngayon ay halos isang milyong katao na ang gumagamit nito, na nakapag-padala na ng mahigit sa $10 bilyong dolyar na sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.
Napaka-simple at makabago ang paggamit ng Sendwave app. Sino man nasa America, Canada at parte ng Europe ay makaka-pagdownload nito sa App Store o’ Google Play at hanapin lamang ang Sendwave icon na penguin. Matapos maibigay ang mga impormasyon sa pagsa-sign, maari nang piliin ang bansang nais padalahan ng pondo sa pamamagitan ng libreng-padala.