Advertisers

Advertisers

PAKIUSAP NI MAYORA HONEY, MAKIPAGTULUNGAN AT MAKIISA; AT RUIZ: PINEPERSONAL ANG TRABAHO

0 190

Advertisers

“TAO lamang po tayo, at siyempre, nasasaktan din sa patuloy na mga batikos at mga tuligsa nila laban sa akin, at pagpapakalat ng mga tsismis na ako ay papalitan na anytime soon. Pero hindi po ito magiging dahilan para tayo ay panghinaan ng loob… lalo lamang nila akong pinatitibay at pinalalakas, kaya tuloy … tuloy-tuloy po ang ating mahigpit na kampanya against smugglers at pagpapatino sa ilang tiwaling opisyal at kawani ng Bureau of Customs.”

Ito ang mariing inihayag kamakailan ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa pitak na ito kaugnay ng patuloy na demolition job na natatanggap niya mula sa mga sektor na napipilayan na sa mga ilegal na trabaho sa loob ng BoC.

Ayon kay Ruiz, sinusuportahan niya ang adhikain ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na matupad at mabura na ang mantas ng korapsiyon na ilang dekada na ring nagpaparumi sa reputasyon ng BoC.



“Gaya po ng sabi ni PBBM na kanyang pinepersonal ang kampanya laban sa tiwali at sa mga maling gawain. Ito rin po ang ating ginagawa, pagkat kailanman, ang mali ay mali sa kahit anoman ang sabihin ng iba,” sabi ni Ruiz.

Aniya, patuloy siya sa pagtatrabaho upang mapatino ang kawanihan, masugpo ang ismagling at makuha lagi ang mataas na koleksiyon na itinakda para sa BoC.

Aminado si Yogi na hindi madali ang trabaho niya, pero ito ay gumagaan dahil sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng Pangulo at ni Finance Secretary Benjamin ‘Ben’ Diokno.

“Ang masasabi ko lamang, hindi po tayo magpapaapekto sa kanila, lalo na sa mga nagpapakalat ng tsismis na ako ay papalitan na… magpapatuloy po tayo sa trabaho lang po tayo at walang sasantohin,” ani Ruiz.

Tiningnan ng commissioner na positibo ang patuloy na black propaganda laban sa kanya, at aniya, parang desperado ang may mga pakana ng demolition job laban sa kanya dahil hindi sila nagtagumpay na mapaaalis siya sa pwesto.

“Kilala na po natin ang nasa likod ng mga black propaganda laban sa akin, but like what I said, tuloy lang po tayo sa trabaho. Honest and dedicated officials and employees of the bureau are behind the reforms and good governance we have initiated, at sa kanilang lahat, ako po ay lubos ang pagpapasalamat sa kanilang mga inambag na tulong upang malampasan ang 2022 target collection na P721.52 bilyon bago pa.man matapos ang taon,” sabi ni Ruiz.



Ipinangako niya na sa mga, susunod na araw at buwan, meron siyang huhubaran ng mga maskara na nasa likod ng mga ilegal na gawain sa BoC, at ang mga protektor nila sa loob ng kawanihan.

Abangan!
***
Lalong tumitindi ang korapsiyon, sa halip, na mabawasan ito.

Ilang task force na ba ang nilikha ng mga nakaraang administrasyon at ngayon sa panahon ni PBBM upang imbestigahan at usigin, sampahan ng mga kaso ang mga taong gobyerno na sangkot sa anomalya, korapsiyon at iba pang katiwalian, mga pag-abuso sa kapangyarihan at mapatutunayang nagkamal ng nakaw na yaman sa gobyerno?

Ika nga ng mga matatalino: “You can’t get rich in politics unless you’re a crook.”

Ibig sabihin, mahirap maging mayaman sa politika kung ikaw ay matino at matapat sa serbisyo publiko.

Anong sabi ng dating US President Harry Truman: “xxx an honest public servant can’t become rich in politics.”

Sa maluwag na translation, kung korap ang isang politiko, madali siyang yayaman, pero ang matatapat, tanging pagpuri at malinis na pangalan at kadakilaan ang magiging kayamanan sa serbisyo publiko.

Sa mga tiwali, sa paggawa ng korapsiyon, mabilis ang pagyaman.

May mga batas tayo laban sa korapsiyon; may mabibigat na parusa laban sa mga korap at may mga ahensiya ng gobyerno na itinatag para mausig, mahabol at maparusahan ang mga mandarambong.

Hindi ba ba sapat ang mga ito at sa halip na mabawasan, mapigil at mawala ang korapsiyon?

Wala na ba talagang solusyon?
***
Hindi na bago sa kaalaman natin ang kahalagahan ng pagkakaisa at ang pagkakaroon ng disiplina upang ang anomang mabigat na gawain at pasanin ay madali na matupad at madala kung saan man nais na dalahin.

Bago pa man na naupong mayor, inihanda na ni Manila Mayor Maria Sheilah Honrado Lacuna-Pangan ang plano ng pagbabagong anyo ng Maynila.

Anyong pisikal sa pamamagitan ng paglilinis sa siyudad, at ang pagpapatupad ng mga proyekto at impraestruktura.

Sa anyong pamamahala, ang paglilinis sa mga hindi wastong paraan sa paglilingkod sa madlang kalungsod ng Maynila at ang pagtataguyod sa lantad at hayag na mga gawain at transaksiyon sa city hall.

Ang pagbibigay ng insentibo sa matitinong kawani at opisyal ng pamahalaan at sa pagdidisiplina sa mga dapat na disiplinahin sa pagtataguyod ng maayos na pamamahala ng siyudad.

Tandaan ang tungkulin ni Mayora Honey at ang lahat ng nasa city hall ay ang maglingkod – hindi paglilingkod na basta na lamang kungdi paglilingkod na kalakip ang sakripisyo at ang hangaring tunay na makapagsilbi sa bayan.

Ang lahat ng ito ay madaling magagawa kung ang lahat ay makikipagtulungan at makikiisa upang pagaangin ang mabigat na tungkulin.

Kay Mayora Honey, aasenso ang Maynila!
***
Dapat ang bawat bayan at siyudad ay maging masikap na ipatupad ang maayos na singil sa mga tricycle na madalas ireklamo na hindi nagbibigay ng 20 percent discount sa senior citizens at sa PWDs o taong may kapansanang pisikal.

Nagkalat din ang mga kolorum na tricycle na bukod sa panganib sa kalsada ay nagnanakaw pa ng dapat ay buwis sa pamahalaan.

Kailan kaya titino ang pamamahala ng mga traffic management officials sa mga bayan at siyudad natin?
***
Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon ay mag-email lang sa bampurisima@yahoo.com.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More