Advertisers
397 ang huling bilang ng mga Patient Transport Vehicles (PTV) na ipinamahagi ni Pangulong Bong Bong Marcos noon lamang nakaraang linggo. At ginawa ang seremonya sa may Luneta Grand Stand kung san makikita din ang mga nasabing PTVs.
Ang mga iyon ay ibinigay ni PBBM sa iba’t ibang local government units (LGUs) ng Luzon 30 sa Ilocos; 72 sa Cagayan Valley; 100 sa Central Luzon; 27 sa Calabarzon; 59 sa Mimaropa; 64 sa Bicol at 35 sa Cordillera Administrative Region.
Malaking bagay ang mga sasakyan ito para sa mga lugar na nabanggit, dangan kasi, ang iba sa kanila ay sa malayong lugar pa ang mga ospital, at kailangan pang ibiyahe ang mga may sakit para mabigyan ng kaukulang lunas sa kanilang karamdaman.
Kaya naman nabanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati, isa lamang itong patunay na ginagawa ng kanyang administrasyon ang lahat ng pangako nito na mapag-igi ang pangbansang
health care system.
Ang mga PTV nga palang mga ito ay galing sa Philippine Charity Sweepstakes Office’s (PCSO) na pinamumunuan ng masipag na General Manager nito na si Mel Robles.
Ang mga sasakyang nabanggit ko ay bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program ng PCSO na naglalayong mabigyan ang lahat ng , LGUs, lalo na yaong nasa malalayong lugar.
Kada is nito ay naglalaman ng isang stretcher, oxygen tank, blood pressure monitor, at iba pang kagamitan na kailangan para ibiyahe ang isang pasyente.
Binilinan pa ni PBBM si Robles na siguraduhing mabigyan ng PTV ang lahat ng LGUs sa bansa.
Kudos a inyong dalawa mga Sir! Mga gaya niyo ang talagang kailangan ng ating bansa.