Advertisers

Advertisers

Maynila unti-unti ng umuusad

0 24

Advertisers

Dahan-dahan na namang nakakausad ang lungsod ng Maynila mula sa pagkalugmok nito mula sa nakalipas na administrasyon ni Mayora Honey Lacuna.

Sa liderato ng ating bagong halal na Alkalde Isko Moreno,muli na namang nararamdaman ng mga MANILENYO ang malasakit at paggalaw ng bagong administrasyon.

Slowly but surely anila ay muli na namang makakabangon ang lungsod mula sa pagkakalubog nito sanhi ng palpak na pamamalakad ng nakaraang administrasyon.



Marami ang nagsasabing masyadong daw naging mapang-sarili ang nakaraang gobyerno ni Lacuna Kasama ang ilan mga Congressman, Konsehal at iba pang mataas na opisyal ng nasabing lungsod.

Dahil nga sa mga sariling interes, walang ibang naging ibang bunga ito kundi iwanang bangkarote at lubog sa utang ang lungsod na aabot sa P10.2-Bilyon.



Ito ang naging pangunahing dahilan upang matapos ang kanilang kontrata sa mga waste management companies kung kaya’t bumaho ang Maynila dahil sa mga ga-bundok na basurang hindi nakokolekta.

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naibibigay ang allowance ng mga senior citizen, PWD, mga scholar at iba pa na dapat sana ay naibahagi na bago pa matapos ang buwan ng Hunyo.



Nabimbim din allowance ng ating kapulisan sa Manila Police District (MPD) at suweldo ng mga empleyado ng gobyerno ng Maynila na sila rin ang nag-hire.

Hindi rin malaman kung saan napunta ang pondo ng Manila Health Department na aabot sa P2-B gayong wala namang makitang mga gamot at bagong medical supply at equipment ang mga health centers.

Gayundin ang pondo sa mga infrastructure project para sa mga kalsada, mga tulay at mga gusali.

Sa awa ng Diyos ay UNTI-UNTI ng nasosolusyunan ng bagong administrasyon ni Yor-Me ang mga problemang ito simula sa mabahong mga basura na hindi nakokolekta.

Ang monthly allowance ng mga senior,PWD at mga piling estudyante naantala man at mabalik muli sa P500 a month ay pina-pangakong maibigay sa Septiyembre,more or less ay naibibigay.

Gayundin ang allowance ng ating mga kapulisan na maski ipang-hingi daw ni Yor-Me ang iba ay pipilitin niyang ibigay.

Sa ngayon ay hindi pa rin natin alam ang pinag-lagyan ng pondo ng Manila Health Department at ng mga infrastructure projects na hanggang sa ngayon ay iniimbestigahan pa rin.

Ang mahalaga ay nararamdaman na natin maski na papaano ang pag-usad ng lungsod ng Maynila sa bagong administrasyon ni Yor-Me.

Ramdam din naman natin na lahat ng paraan ay gina-gawa ng mga ito upang umasenso at maging progresibong muli ang Maynila, ‘di po ba?

SLOWLY BUT SURELY, MANILA WILL BE GREAT AGAIN WITH GOD’S HELP…