Advertisers
KALUNOS-LUNOS ang sinapit ng isang sanggol na pitong-buwan pa lamang nang mahulog mula sa motorsiklo habang hawak ng ina at nasagasaan ng dump truck sa Binalbagan, Negros Occidental.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nabatid na nagmamaneho ng motorsiklo ang ama ng bata at angkas nito ang kaniyang asawa na siyang may hawak sa sanggol.
Nag-overtake ang motorsiklo sa sinusundang truck pero nawalan ito ng kontrol nang may tumawid na babae. Natumba ang motorsklo at nabitawan ng ina ang sanggol, na nagulungan ng truck.
Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng truck.
Wala namang plano ang pamilya ng sanggol na magsampa ng kaso laban sa truck driver.