Advertisers

Advertisers

1 pang ‘killer’ ng 2 pulis sa Pampanga todas sa barilan

0 176

Advertisers

NAPATAY ang lalaking itinuturong bahagi ng grupo sa likod ng pagpaslang sa dalawang pulis sa Pampanga sa hot pursuit operation ng pulisya nitong Sabado.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), napatay ang unidentified suspect na sakay ng motorsiklo, na umano’y nakipagbarilan sa mga pulis sa checkpoint nitong Linggo.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre .45 pistola at motorsiklo.



Sa ulat, naganap ang engkwentro nang magsagawa ang Pampanga Police operatives ng followup operations sa pagtugis sa mga pumaslang kina Senior Master Sergeant Sofronio Capitle Jr. at Staff Sergeant Dominador Gacusan Jr., miyembro ng Mabalacat City, Pampanga Police Drug Enforcement Unit.

Nauna nang naaresto ng mga awtoridad ang tatlong salarin sina Jun Jun Espiritu Baluyut, Aries Espiritu Bagisic, at Leslie Placiente. Nahuli sila sa Barangay Dau, Mabalacat City nitong Linggo ng umaga.

Sina Capitle at Gacusan ay magkaangkas sa motorsiklo galing sa anti-illegal drugs operations nang sundan at pagbabarilin ng limang armado na nakasakay sa dalawang motorsiklo.