Advertisers

Advertisers

Azi Acosta kakabugin ang ibang Vivamax beauties

0 953

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NOON pa mang naidirek ng cult director na si Roman Perez, Jr. ang bagong pantasya ng mga barako na si Azi Acosta, nakitaan na niya ito ng malaking potensyal.
Katunayan, nakasama na si Azi ni AJ Raval sa “Sitio Diablo” pero ayon kay Direk, hindi pa raw niya alam kung saang genre talaga ito puwedeng mag-excel.
“Kasi ’yong Sitio Diablo nahirapan s’yang itimpla, e. Apparently, nu’ng nakita ko s’ya dito sa Pamasahe, sa mga unang eksena n’ya, even sa workshop pa lang, iba ’yong magic nu’ng bata. Iba, iba s’ya. Sabi ko parang future s’ya. Future s’ya ng Vivamax,” sey ni Direk Roman.
Ayon pa sa acclaimed director, huwag lang daw ikalalaki ng ulo ng newbie, malayo ang mararating nito provided na mananatili itong grounded at professional.
“Nakita ko sa kanya iyong laki ng improvement niya. Parang hindi siya baguhan, dahil nakakaarte talaga siya kumpara doon sa mga naidirek ko noong nagsisimula pa lang sila na huwag sana nilang ikasasama ng loob,” saad niya. “Iba iyong intensity niya as actress lalo na kapag umiiyak siya. Parang hindi siya baguhan,” pahabol niya.
Mas may bentahe rin daw ito sa mga Vivamax stars na nakatrabaho na niya dahil magaling itong umarte.
“Ibang prototype siya ng mga nakatrabaho ko na sa Vivamax. Ibang prototype si Azi. Siguro makukuwento din ng ibang directors ito. Pero ibang prototype s’ya ng Vivamax girls. Iba s’ya,” paglalarawan niya.
Isa pa raw sa ikinabilib niya kay Azi ay ang pagiging matapang nito pagdating sa paghuhubad.
“Erotic drama ng pelikula pero matapang siya pagdating sa erotic scenes dahil alam na niya na kailangan iyon sa movie,” paliwanag niya.
Sa kaso naman ni Azi, sobrang nagpapasalamat siya kay Direk Roman sa pagkakataong maidirek siya sa pelikula.
“Sobrang salamat po talaga sa opportunity, Direk Roman. Gagawin ko po ’yong best ko para hindi kayo ma-disappoint sa akin,” sey ni Azi.
Sa first starring role nitong “Pamasahe”, hindi raw siya nagkamali sa pagkuha kay Azi dahil binagayan ito sa kanyang papel bilang Lineth, isang probinsyanang lumuwas ng Maynila para hanapin ang kanyang kuya.
Sa kanyang paglalakbay, makakasalumuha niya ang iba’t ibang uri ng kalalakihang magsasamantala sa kanyang pagkababae.
Palabas na sa Vivamax sa Disyembre 9, kasama rin sa pelikula sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, Shiena Yu, Shirley Fuentes, Julio Diaz, Erlinda Villalobos, Rash Flores, Alvaro Oteyza, Chadd Solano, Apple Castro at Joanna David.