Advertisers

Advertisers

Bela wish na makasama sa psycho film ang pinsan na si Daniel

0 148

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

SA isang Question and Answer portion ng blogsite ni Bela Padilla ay diretsahan siyang natanong kung willing ba siyang maka-work sa susunod niyang proyekto ang pinsan na si Daniel Padilla.
Ang lola kasi ni Bela ay asawa ng lolo ni Daniel. Ang huling pelikulang nagawa ni Bela ay “366,” under Viva Films na siya rin ang nagsilbing scriptwriter, direktora at lead actress.
Tsika rin na feel na rin ni Daniel na gumawa ng mga pelikulang cha-challenge sa kanya bilang solo star. Halos lahat kasi ng movie na ginawa ni Daniel ay kasama ang reel and real life sweetheart na si Kathryn Bernardo
Ask nga ng isang netizen kay Bela;
“I’m also just curious. How do you feel about working with Daniel P. & what genre do you hope to work in, if given the chance? as you both are excellent at what you do, it’s great to see you in one film.”
“I’d love to! He’s an amazing actor. I’d love to do a heist film/psycho thriller with DJ to show his range,” rektang sagot ni Bela.
***
ONGOING pa man ang worldwide showing ng biggest box-office hit this year na “Maid in Malacanang” ay halos mag-uumpisa na rin ang shooting ng pangalawa sa trilogy movie ng MiM, ang “Marytyr o Murderer” na karamihan sa cast nito ay galing din sa nauna nang movie.
Halos makukumpleto na ni Direk Darryl Yap ang kanyang dream cast sa pangunguna nina Cesar Montano as Pres. Ferdinand Marcos, Marco Gumabao as young Ferdinand, Isko Moreno as Ninoy Aquino while Jerome Ponce ay ang young Ninoy, kasama rin sina Ruffa Gutierrez as Imelda Marcos and Cindy Moreno as the young Imelda. Wala pa rin naman na-announce kung sino ang gaganap na young Cory Aquino samantalang si Giselle Sanchez ang lumabas na Cory Aquino sa nakaraang MiM.
Ano kaya ang naging katangian ni Cindy kung bakit siya ang napisil ni Direk Darryl na gumanap bilang young Imelda Marcos?
“Matapos ang halos isang buwang pagtitimbang ng mga posibilidad at kalidad; nakatagpo kami ng isang Beauty Queen na may kaparehas na yumi at husay sa pananalita, Pilipinang-Pilipina, may ambisyon at di basta pasasakop kaninuman,” say ni Direk Darryl.